Kaugnay ng pahayag ni Press Secretary Jesus Dureza na di lamang si Bro. Eddie Villanueva ang may karapatang manawagan laban sa katiwalian kundi pati na rin si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, mariin namang itong kinuwestiyon ni Bro. Eddie sa gitna ng malinaw at lumalala pang talamak na katiwaliang namamayani ngayon sa ilalim ng pamahalaang Arroyo.
“Mayroong kasabihan na ‘the proof of the pudding is in the eating’ … Ang pamantayan at pruweba ng katotohanan sa mga sinasabi, ginagawa, o di ginagawa ay makikita sa ‘lasa’ o bunga ng mga ito. Lantad sa sambayanang Pilipino kung talaga nga bang seryoso si GMA sa pagsugpo ng katiwalian sa pamahalaan. Malinaw na hanggang ngayon ay tila may busal pa rin sa bibig sina GARCI, JOC-JOC, NERI, atbp., dahilan upang mahadlangan ang sana’y makabuluhan at makatotohanang imbestigasyon tulad ng Senate hearings. Kaya kung tutuusin ay isang pagbabalatkayo lamang itong sinasabi ni Dureza na nais din ng pagbabago ng gobyernong ito,” pahayag ni Bro. Eddie bilang sagot sa mga komento ni Sec. Dureza.
“Ito ang dahilan kung bakit noon pa ma’y isinusulong na ng BANGON PILIPINAS (BP) ang panawagan para sa ‘RIGHTEOUS GOOD GOVERNANCE’ na nakabase sa walang kinikilangang pagpapatupad ng batas at katarungan. Dahil kung ito sana ang umiiral na pamamahala ngayon, burado na ang korapsyon sa bokabularyo ng mga pulitiko. Pero taliwas dito ang nangyayari eh,” dagdag pa ni Bro. Eddie.
Bilang sagot sa binitawang salita ni Sec. Dureza na dapat ay tingnan din ang mga positibong aspeto ng administrasyong Arroyo, “I affirm the assessment of Bangon Pilipinas Secretary General Rev. Ronald Tan that it has always been a predictable response of the Arroyo officials to deny truth by pointing to the so-called ‘positive’ achievements of this government. Isn’t it ironic that almost to the exact moment of Dureza’s claims, the prestigious polling body GALLUP INTERNATIONAL came out with the survey that 4 out of 10 Filipinos are hungry or have little food thus making the Philippines the WORLD’S 5th HUNGRIEST NATION. What a stinging rebuke to all these claims of positive accomplishments.”
Idinagdag pa ni Bro. Eddie na kung ang mas nakararaming Pilipino’y hindi na kumakain nang tatlong beses isang araw at sa harap nito’y naroon ang pamahalaang malinaw na may pagnanais na harangin ang pagbubunyag ng katotohanan sa di na mabilang na mga katiwalian tulad ng P728 Milyon na Fertilizer Scam, ZTE-NBN, NORTHRAIL, paano aniya mapaniniwala ang taumbayan sa mga binitawang salita ni Dureza na kahit si GMA ay nagnanais na magkaroon ng pagbabago kontra sa pangungurakot at pagyurak sa kaban ng bayan.
Sa kanyang panawagan na magkaroon ng isang “ASSEMBLY OF RELIGIOUS LEADERS FOR GOOD GOVERNANCE” ay muling inihayag ni Bro. Eddie ang kahalagahan ng nasabing pagpupulong. “It is due to the urgency of the plight of our people who are being crushed under the weight of unbridled graft and systematic corruption that I have expressed my full-support to the statement of CBCP President Archbishop Angel Lagdameo about the need to rid our country of this ‘social cancer’ of corruption. By meeting and joining our hearts and minds toward the achievement of our shared values and goals I have no doubt that God will bless the assembly and its noble goals and aspirations. I enjoin all Filipinos who also believe in our conviction that it is time for righteous governance, to pray for our beloved nation, and let our collective voices be heard loudly to every corridor of Malacanang.”